United States or São Tomé and Príncipe ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagpacalugmoc si Sisa sa sahig, tinangnan n~g dalawang camay ang m~ga binti, at tinitigan ang canyang verdugo n~g m~ga matang nacatiric. Dalawang malacas na hagupit n~g látigo sa licod ang pilit sa canyang tumindig, at hindi na isáng daing, cung di dalawang atun~gal ang siyang isinigaw n~g culang palad na sira ang isip. Nawalat ang canyang manipis na barò, pumutoc ang balat at bumalong ang dugò.

Bahagyâ na ang patláng n~g dagundóng n~g m~ga culóg, at pinan~gun~gunahan bawa't culóg n~g cakilakilabot na namimilipit na lintíc: masasabing isinusulat n~g Dios ang canyáng pan~galan sa pamamag-itan n~g isáng súnog at ang waláng hanggáng bubóng n~g lán~git ay nan~gín~ginig sa tacot. Ang ula'y parang ibinubuhos, at sa pagca't hináhampas n~g hán~ging humahaguing n~g lubháng malungcót, báwa't sandali'y nagbabago n~g tinutun~go. Ipinarírin~gig n~g m~ga campána, n~g voces na tagláy ang malaking laguím, ang caniláng mapangláw na hibíc, at sa sandasandalíng ínihihimpil n~g nan~gagbában~gis na m~ga culóg ang caniláng matunóg na atún~gal, isáng malungcót na tugtóg n~g campán

Cung gayó'y ¿sino? Itinurò n~g cura ang pintô, na sinarhán n~g alférez alinsunod sa canyáng kinaugalian, sa pamamag-itan n~g isáng sicad. Ipinalálagay n~g alférez na waláng cabuluhán ang m~ga camay, at wala n~gang mawáwalâ sa canyáng anó man cung maalis ang canyang dalawang camáy. Isáng tun~gayaw at isáng atun~gal ang siyáng naguíng casagutan buhat sa labás.