United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî n~gâ acó nacacamuang n~g tungcól sa arquitectura, ang isinalabat ni párì Dámaso, datapuwa't tinatawanan co ang m~ga arquitecto at gayón din ang m~ga tan~gáng tumatacbô sa canilá.
Tumbalíc, sinasangayunan co at aking pinupuri cayó sa ganitóng inyóng naisipan; cayó po'y tunay na arquitecto; ¿canino cayó nag-aral? Sa akin pong sarili, isinagot n~g matanda n~g boong capacumbabaan. ¡Abá, guinoo, hindi po namin pinapansin ang m~ga excomunión! Tayo pong lahát ay pawang excomulgado; si pare Dámaso man po'y excomulgado rin, gayón ma'y nananatili sa totoong catabaan.
Nan~gagtatalumpatian, ang sagót, n~g Alcalde. Binabangguit ni guinoong Ibarra ang lahát n~g sa canya'y tumulong sa adhicáng icagagaling n~g madlá, at sinasaysay ang nauucol sa arquitecto, n~g ang camahalan pâ ninyó'y....
¡Dito! ¡doón iyan! ¡Madali! ang isinísigaw n~g isáng maliit na matandáng laláking ang pagmumukhá'y masayá at matalínò, na ang háwac na pinacatungcód ay isáng metro na may tansô ang m~ga cantó at nacabilíbid doón ang lúbid n~g isáng plomada. Iyón ang maestro n~g paggawâ, si ñor Juang arquitecto, albañil, carpintero, blanqueador, cerrajero, pintor, picapedrero at manacánacâ pang escultor.