United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang si Gerardo'y hindî maabót ng kanyang matá, ang binibini'y mulíng humílig sa dúyan at inahágis ang ala-ála sa salitáan kangína niláng dalawa. "May katwiran si Ardíng!" ang pabuntóng-hiningáng nábigkas sa sarili, pagkaráan ng ilang sandalî "Kay hírap ngâ namán ng walâng kalay
Napangitî si Gerardo. Ang mga pangungusap na iyón ay sumagád hanggang pusò niyá. Kinintalan ng isang halík sa nóo ang kanyang paralúman, bago tinabánan ang nanglalamíg na kamay nitó. "Maráming salamat, Elíng," anya "Ngayon ay tulutan mo nang ako'y yumáo." "Hintáy muna, Ardíng" ang magíliw na samó ng binibini "Hindî mo pa nasásagót ang tanóng ko sa iyó kanina." "Alín iyón?"