United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagnagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,i, cayo ang may casalanan hatol, na sinipî sa santong sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.
Ayon sa catungculang ito nang magulan, ay dalauang bagay ang dapat tantoin: ang una,i, ang anac dapat pumili nang estado o calagayan, na inaacala niyang mapapasan, at ang icalaua,i, ang magulang ay dapat mamahala. Daquilang bagay ito, na cun pagcamalian, ay dalauang capahamacan hangang sa camatayan ang uica ni Padre Arbiol.
URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina. Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.