United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tumungo sa may dakong pinto; nguni't nakalimot yumuko, at naumpog ang ulo sa halang, na anupa't nagbubulong sa galit. Agad lumamig ang ulo, kinuskos ang noo at sumampa sa vosok . Pagkaalis ng barini ay sinabi ni Semel . Ito nga ang matibay na parang puno ng kahoy; nasira ang halang at bahagya nang naramdaman. At sinabi ni Matrenang: Sa taglay niyang pamumuhay ay mabuting tao kaya?
Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa Diyos.