United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Pinakaba ninyo ang dibdib ko! ang di napigilang sabi sa m~ga dinatnan. At sina Tirso'y nagtindiga't sumalubong. ¿Saan ka napatungo't nawala ka rito? ang madaling itinanong ni Elsa. Hindi na kami umalis dito't baka aniko'y magkita tayo agad, yamang dito tayo nagkahiwalay, ang sambot naman n~g lalaki.
Kumaba na naman ang dibdib ko at aking isinaloob na ikaw ay nagtatampo pa sa akin, at dahil dito ay naitanong ko sa isang kapwa bata kung saan ka naroon. ¡Hayún ay ... ayaw maglaro! ang tugon sa akin. Ako'y lumingon at nakita, kitang nakaupo sa hagdan ng inyong "azotea". Linapitan kita't aniko'y: ¿Bakit ka nakaupo diyan? Mangyari'y hinihintay kita ang waring may lambing na sagot mo.