United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Ay ano baga, hindi caya sumamá roon ang caniyang dating mabuting ugali? Ang damdam, , namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, , namin, ay hindi siya sumasamá, cundi umiigui pa, , sa dati. Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon, subali,t, iba ang aquing balita. ¿Ano, , ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.

Binasa ni estudianteng Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Próspero. ¡Mahirap ang tayo mo Proper! ¿At ano? ang tanong ni Próspero. Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....

Ang iba,i, umaalio, alio cay cabezang Angi. Ang iba,i, humahanap nang mediquillo , at ang iba nama,i, cumacaon nang confesion . Gulong-gulo silang lahat, na ualang ibang naquiquita,t, naririñgig, cundi utos dito, utos doon, tauag sa magcabi-cabila, at tacbuhan nang lahat.

¡Pagcalaqui-laquing camalian nina cabezang Angi dito sa pag-uusisang ito! Ang pagcaalam co,i, na cung dito sa mañga cataonang ito,i, hindi dapat tanuñgin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob. Itutuloy co uli ang pagsasalita nang mañga nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales.

At nang ipahayag co ang totoong nasasacalooban co,i, sasabihin co pa ñgayon, na ang pagcamatay ni cabezang Dales, ay iquinalumbay ni cabezang Angi nang di hamac, at iquinabacla nang loob ni Felicitas; datapoua,t, bagay cay Próspero,i, ang damdam co,i, siya,i, natotoua, nang malaquing toua, baga man nagcucunouari siya,i, nalulungcot.

Naniuala si cabezang Angi sa pañgaco nang caniyang anac, at naniuala naman si Felicitas; subali,t, iba ang nangyari.

Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado , na cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui, at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.

Pababayaan co itong mañga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang toua ni cabezang Angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. Ualang di iquinatotoua niya cay Próspero. Ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang pagcudunday-cunday, at ang cabutingtiñgan pa sa pananamit, ay para-parang minamahal at pinupuri ni cabezang Angi.

Ang balita co,i, masama na ñgayon ang caniyang ugali. ¡ Segurong-seguro , , ang sigao ni cabezang Angi, segurong-seguro , ,i, ang nagbalita sa inyo niyan ay ang amin pong Felicitas! Masasabi co, ang tugon nang Cura, masasabi co ang mañga nariñgig cong balita; datapoua,t, hindi co dapat ituro, cung sino-sino ang aquing quinaringgan.

Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbintañgan si Pili at houag mo siyang siraan nang puri.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap