United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Samantalang silá'y napapalapít, nararamdaman n~g binatang tumatahip ang canyáng púsò. Hindî niyá sinasadya'y tinun~go n~g canyáng m~ga matá ang cacaibáng m~ga andamio na doo'y nacatayô; nakita niyáng sa canyá'y yumuyucod n~g boong galang ang lalaking naninilaw at siya'y tinitigang sandalî. Pinagtakhan niyá ang pagcasumpóng doon cay Elías, na sa pamamag-itan n~g isáng macahulugang kiráp ay ipinaunaw