United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hangang sa tingalín n~g sangaigdigan ang muchâ ni Febong hindî matitigan ay sinasagap co ang caligayahang handóg niyaóng hindî maramot na parang. Aquing tinitipon ang iquinacalat ng masayáng ban~gó n~g m~ga bulaclác, ina-aglahi co ang larouang pulad mahinhíng amiha,t, ibong lumilipad.
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.
Salita Ng Araw