United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Amalia at ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na ang tanging kagamutan ng sakít ni Angela ay na sa kaniyang minamahal. "Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang ayon na ako.

"Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata, ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y: ¡Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang: "Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking karalitaan.

"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan. Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang Pangasinan.

Amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang matantong ako ang Dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng: "¡Kayo palá!... ¡Si Angela'y walang patid ng tawag sa inyo. "Hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya't ang mangagamot nang mamasdan ang gayon ay nagturing na: "Kayo, tan~ging kayo ang marahil ay makabubuti kay Angela.

"KASAYSAYAN NG ISANG HALIK", salaysaying pinaglalarawanan ng isang Dariong dalisay umibig, ng isang Angela na bago namatay ay binigkas muna ang pan~galang ¡Dario ...!, pan~galan ng sinta na sa kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na pagkakalayo; at isang Amalia, ináng sa hirap ng anák ay nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithiín kundi ang ililigaya noón.