United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang alita'y bagcus sa puso'y alaga, nadidim-lang isip pampatabang cusa, caculan~gang tipid han~ging panlathala masangsang na amoy tauag sa panagá. Pati matahimic na nan~gama-mayan loob n~g Verona nan~gapi-pilitan, ilipat sa caliz ang cani canilang gauang pamu-muhay mahalagang bagay.
Cahit si Julieta'y bata pang maglining sa caniyang bunga n~ga'y tama cung taroquin pagcat ang suyuan pagcasi'y maning-ning dapuat sa lahing alita'y rimarim. Caya ni Julieta hindi man hinayag ang laman n~g luhang baha sa pagpatac, sa gaya n~g inang may tungcol bumacas sa laon nasilip na munting banaag
N~gunit n~g dumating pagcat caraniuan tamis uma-asim n~g pag iibigan, sa dahilang ito cacamunting bagay sama-an n~g loob ang pilit umiiral At palibhasa n~ga sa balat n~g mundo, matouain di ilan sa gauang mangbuyo. caya di napaui't bagcus sumilacbo init n~g alita'y naguing pita'y sicdo.