United States or Kenya ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aling kaluluwá sa boóng báyang iyón ang di manginginíg sa isa niyáng dárag, sa isa niyang pandidílat?... Síno doón ang di niya mapaaáyon sa kanyáng maibígan? Walâ! Síno ang mangangahás na makipagsagútan ó makipagtálo sa kanyá? Walâ! Síno ang humaráp sa kanyá na di niya napayukô? Walâ!

MAR. ¡Ay Dalmacia! ¿Aling puso n~g may pagsintang anak ang di bubugsuan n~g paghihinagpis at manariwang mulí ang nalalantang puno n~g pighati? ¡Ay amang ama ko! ¿Saan ka naroon? DALM. Marcela, maghusay ka n~ga n~g loob at maala-ala ko pala'y kahapon ay humihiling ka sa akin n~g isang kasayahan, n~gayon ay wala naman maiya-alay sa iyo kundi isang maikling kundiman. MAR. Tunay n~ga ba?

Tuloy po kayo ang pagdaka ay nawika ni Leoning Bah! si mang Andoy at tuloy tinawag ni Leoning si aling Rita, na, noo'y na sa silid ng tahanan at nagaayosayos ng ilang mga damit na tahiin. Aba, si Andoy ang boong galak na nawika ni aling Rita ano kumusta ang dalawang bata na ipinadala ko sa iyo? Kumusta sila roon?

At ang m~ga panauhi'y namalas ni Tirsong may m~ga hawak nang sombrero at anyong nagaabot n~g kamay sa mestisa. Hintay muna pala sandali, ang pigil n~g dalaga, paunlakan muna, ninyo ang munting bagay na pinagaabalahan n~g aking mabait na hipag. ¡At may pinagaabalahan pa pala si aling Dioni! Sa wakas ay napahinuhod din ang m~ga panauhin.

Anó pong kaululán?... Aling gawâ ko ang inyóng tinutúkoy?" Tumalikod si Kápitang Memò at pagkatápos na maibalabág sa sahíg ang tangang aklát ay iingos-ingos na sumagot: "Pshe! Magmámaangmaángan ka pa!"

"Angela, ang sabi ng kaibigan kong Andrés ipinakikilala ko sa iyo ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang violinista, at sinabayan ng pagtuturo sa akin. Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi ng abutín ang kanyang kamay kung hindi: "Aling Angela, pag-utusan mo po....

Ang pinto ng tahanan ni aling Juana ay nakapinid para kay Manuel; subali't bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na bahagi at dahil dito'y palaging malungkot si Edeng; sapagka't sa mula't mula pa'y tinubuan ng wagas na pag-ibig kay Manuel, at hindi na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'y mga bata pa.

At kung naroon si mang Alejandro ay walang salang naroon din si Leoning at si aling Rita. Di nga mangyayaring mawala. Noo'y naghahari ang gayon na lamang kasiglahan ng sayawan. Sa bawa't mukha ng mga panauhin ay walang ano mang kalungkutang mababakas. Lahat ay ngumingiti.

¿Pariyan ako sa m~ga araw na ito? Iyan ang hindi mabuti. Maipalalagay niyang tayo ay naninikis.... Huwag ka sanang mabiglain. Ang galit n~g kapatid ay pagmamahal. Kung hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan.... Isang araw ay masok tayo kahi't sa aling sine at doon natin pagusapan. Ikaw ang bahala: pasama ka kahi't kay Dioni, kung nan~gan~gamba ka nang makipagniig sa akin n~g sarilihan.

Iyan ang may asawang si aling K * na pinakapintasan nang minsan sa harap ko ni Martinez. ¿May asawa ang babae? itinanong ni Tirso. Mayroon, n~guni't ang kasamang iya'y hindi siyang nagmamay-ari sa kanyang pan~galan, ang paliwanag pa n~g mestisa. Saka ang asawa raw n~g babaeng iyan, Tirso, ay walang pan~galawa sa kabaitan, ang susog pa ni Dioni.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap