United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Na, nagkatotoo nga ang lahat na, ako'y iyong lilimutin. Diyata Leoning at ako pa ang pararatangan mong lumimot. Katotohanan Eduardo ang lahat kong sinabi. Leoning, pinahihirapan mo ang aking damdamin. Eduardo, ang sinasabi mong hirap na iyan ay wala pang ika isang libo, paris ng ginawi mo sa aba kong palad. Leoning, liwanagin mo ang lahat.

Leoning, huwag mong pangarapin ang ganyang mong hinala; alalahanin mong ang paglisan ko bukas ay nangangahulugan ng mapait na gunitain. At marahil, sa paglisan mong iyan ay limot mo na ako sa alaala. Leoning, alamin mo na mula sa mga sandaling ito ay nakatitik na sa kaibuturan ng aking puso ang iyong pangalan. Oo, nguni't pagdating sa Maynila, ay pawi na.

Oo, sasagutin kita; datapwa't tugunin mo muna ako: Ngayon ba't tinalikdan ka na ng pinaglalaanan mo ng iyong karrera ay akong ihinabilin mo na sa limot ang iyong pamamanhikan, akong pinagtangkaan mong malugmok sa hirap, sa pamamagitan ng dalawang liham na ipinahatid sa akin ni Enchay? ¿Isinusumpa mong hindi ka kaalam? ¿Bakit niya naalamang lumigaw ka sa akin? ¿Aywan?

N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki. Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantun~gan n~g kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. ¡Mapalad na lalaki! ¡Mapagsamantala ang sabihin mo! Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang ang kasama mo n~gayon.

Oo, ako nga. Leoning, Leoning, si Leoning ka nga ba? na waring naalimpungatan ang binatang ang mata ay may ulap. Oo, Eduardo, dinadalaw kita. Leoning, ano, ano ang nagudyok sa iyo at ako ay pinarituhan mo, bakit ka nagkaisip na pumarito? Upang kita ay damayan. Damayan? Oo, makihati ako sa iyong karamdaman. Leoning, salamat, nguni't.... Huwag kang magalaala. May asawa ka na.

Ang ibig ko po'y ...yaon po bang kung ako halimbawa'y may masasalubong sa daan ay huwag akong makita.

Itinanong ko kung ano ang ibig ninyong aking tugtugin, at aninyo'y ako ang bahala kung alin at kung paano ang tumutugon sa loob ko. ¿At sa lagay ay siyang tumutugon sa loob mo ang marcha ni Chopin? itinanong pa n~g isa.

"Bayáang anó? hindi ba't tuwî kang magtatalumpatì ay ipinangangaral mo na ang lahát ng táo ay dápat tumupád sa kanikaniláng katungkúlan? Hindî ba't ito'y katungkúlan ko? Ako ba'y hindî táo sa iyo? Hindî ba...." "Súkat na, Elíng, súkat na; dapwa't iyang mga sutlâ mong dalirì ay di dapat marumhán ng...." "Diyat

At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libin~gan't, tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain: kaipala'y marin~gig doon ang taginting, tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw, ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

Ang aking anak ay namatay pagkaraan ng dalawang taon, at hindi na ako pinagkalooban, pa uli ng Diyos ng anak. Habang ito'y nangyayari ay bumubuti ang aming pamumuhay, ngayo'y natitira kami sa isang alilisan, sa bahay ng isang may tindahan. Binabayarang kaming mabuti at ang aming buhay ay tiwasay, nguni't wala akong anak. Sinu pang aking lilingapin kung wala ang mga batang ito?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap