United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga anák-pawis ay ayaw na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol.

Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating. At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa pagtataguyod n~g aklasan. Subali't ang lahat ay huli na.

¡Ituloy ang aklasan! ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g isá. ¡¡Ituloy!!... ang tugóng pasigaw din n~g karamihan. At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat. Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig. At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang paguúsap n~g lahat. At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat sa magsasalita.

Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, ¡tayo'y magsiaklás...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g hirap.

¿At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may m~ga taksil at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan n~g isang pan~gako n~g lalong dakila at mahalagang kilusan? ¿Paanong ibig ninyo, na ang alin mang aklasan ay magwagí, kung ang m~ga nan~gun~gulo at nagsisipan~gasiwa sa kapalaran at buhay n~g libolibong m~ga kapatid ay siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa n~g m~ga manggagawa? ¡Oh! hindi, makalilibong hindi.

Kayó ang masusunod ang patuloy pa ni Mauro Ibig ninyong sa pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasán, ¡gamitin n~ga natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay.

Ang aklasan, para sa m~ga anák-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa Pransia, sa Amérika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa.

Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. At hindi lamang yaon.

Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin. Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan. Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaroón.

Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bísa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan.