United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aco'i, dito pacacasal at siyang aquing catipán, si don Pedrong tampalasan sa loob co ay masucal. Sucat na po haring mahal ang aquing munting tinuran, at di co ibig masaláng sugat nang puso co't, subiang. Ang hari ay natiguilan nang sa princesang tinuran, at tila mandin may bagay ay hindi tapatin lamang. Napaayon capagdaca itong daquilang monarca, cahit cay don Juan bagá tunay ring manugang quita.

Limang buang hustó bagá yaóng pag-lalacád niya, siya namang pagdating na sa mariquit na ermita. Doo'i, caniyang dinatnan isang ermitañong mahal, balbás ay hangang sa bay-uang nacatatacot cun tingnán. Anang matanda'i, ganitó umalis ca manunucsó, mahaba nang taón aco ualang sumasapit dito. Sagót ni don Jua't, uica nuno'i, huag cang mamangha, aco'i, inutusang cusa isang mahal na matandá.

Ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang cabunducan. Di anong magagauá pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala-ala tumauag sa Vírgeng Iná. Aniya'i, ó Vírgeng mahal anó cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco'i, pinag-liluhan. Ang boo cong ala-ala caming tatlo'i, tiuasáy na, mahusay na maquiquita mahal naming haring amá.

Ang corona't, cetrong mahal si don Pedro ang salinan, aco'i, may corona naman sa reinong de los Cristal. Sa uinicang ito baga niyong si doña María, ipinutong capagdaca cay don Pedro ang corona. Ang sa mariquit na reina bunying doña Leonora, ibinigay sa caniya ang mahal na diadema. At sila'i, umúi naman sa reinong de los Cristal, gayong layong linacaran isang oras na linacbay.

Madai't, salita naman at di co na pahabaan, ay naguing apat na buan pag-lacad niya sa parang. Sa aua nang Vírgen Iná cay don Juan de Berbania, ay dumating capagdaca sa daan na pasalunga. Nang sa príncipeng matignan taas niyong cabunducan, lumuhód siya't, nagdasál sa Vírgeng Ináng marangal. Aco'i, iyong caauaan Vírgeng calinis-linisan, at aquin ding matagalán itong mataas na daan.

At sa aquing pangangarap aco'i, agád inalipad, camuc-há'i, ibong may pacpác dito aco inilagpac. Hindi co nga máalaman itó pong lihim na lugar, sa Dios na calooban cun caya po natutuhan. Cayá mahal na princesa huag cang mag-ala-ala, ang Dios ang may talagá cayá tangáp yaring sintá. Sagót nang princesa't, sulit magtulóy ca pong pumanhíc, at nang iyo pong mabatid handóg mong sintá sa dibdib.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap