United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya, pó, cung itong di co pagtitiis nang mañga caculañgan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap nang ating Pañginoon Dios, ay iquinucumpisal co, pó, sa inyo itong aquing casalanan, at inihihiñgi cong tauad sa Pañginoon Dios at sa inyo, at inaantay co, pó, ang inyong mahal na absolucion dito sa aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo.
Nilapitan tuloy nang Cura ang maysaquit: pinulsuhan : tiningnan ang lagay nang muc-ha; tinauag pa niya nang malacas si Felicitas; at sa di cumiquilos-quilos ang maysaquit, ay agad-agad nagsoot ang Cura nang roquete at estola , pinagcalooban niya ang nanghihimatay nang caniyang mahal na absolución , at tuloy pinahiran nang Santong Lana .