United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo.
Pag napasauli na ang bata sa loob, ay ipinaanyo roon n~g hilot n~g lumabas na mahusay. Cun baga patay ang bata sa tiyan ang gagauin sa babayi, ay yaon ding man~ga bilin sa párrafo 481. Ang man~ga saquit na marahil sumunod sa pan~gan~ganac nang babayi. Ang man~ga saquit na marahil humalili sa pan~gan~ganac n~g babayi ay lima. Ang nauuna ay cun siya,i, binubusan n~g maraming dugo.