United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga may catigasan ang pulso, ó may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang maysaquit. Saca binibig-yan nang bilin sa número 3. Sinusumpit naman ayon sa turo doon din sa capítulo nang lagnat sa buloc ó lagnat nang apdo. Pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso, cundí malambot na, pinaiinom nang bilin sa número 34 at cun ualang mapagquitaan nito, na-aari ang sa número 35.

Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa número 35, na cailan~gang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang manzanilla.

Datapoua cun hindi mangyaring maquita nang médico itong bilin sa número 34, painumin ang maysaquit nang biling sa número 35 na siya ang totoong bagay sa tagalog dito sa saquit na ito; ang iguio isinasama sa isang tazang tubig na malacuco, na minsanang inumin; at pagcasuca na nang maysaquit, ay binibig-yang parati nang tubig na malacuco, nang siya,i, macasuca nang maloualhati.

Saca itutuloy ang pag-gamot doon para nang sa man~ga unang arao; at touing umaga ay paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 32 ó nang sa icapat na bahagui lamang nang bilin sa número 35, cun baga maliuag hanapin ang sa número 32; datapoua cun malaqui ang lagnat, ay lalong magaling ang sa número 32.

Ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong tubig na sinamahan nang caunting asin ó azucar , at pagcaraca,i, pasucahin nang maraming tubig at lan~gis, ó nang bilin sa numero 34 ó 35.

Gayon din ang salagsalag, na nadoroon sa número 34 ay sucat ang ibabad sa tubig hangang nagdarasal ca nang isang Aba Guinoong Maria . Ang iguio sa número 35 naman ay sucat na sa maysaquit na malacas ang timbang saicaualong mahiguit higuit noon. Datapoua mayroong tauo, na nacainom nang timbang saicapat, cun siya totoong lacas nang catauan.