United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa mañga ipinahayag mo at itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Próspero sa Maynila: sapagca,t, ñgayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata, masunuring cristiano at mabuting cababayan; ñguni,t, cung paluasin mo siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.

Sa tatlong araw na sumunod sa halalán, si Kápitang Memò tuwing magiisá, maging sa pagkain, maging sa paghigâ hanggang sa pagtulog, ay wálang nábibigkas kundî ang gayari: "Sa makatwid, ako ay presidente na ngayón ha! ha! ha! At sa makatwid, akó ay makapangyarihan na namán! ha! ha! ha!... Ganitó, ganitó ang mabubuhay ... láging nasa itáas, láging tinitingalâ at hindî nasusuwáy! ha! ha! ha!"

At iyang kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga Trade Unions, kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi.

Wala na at hindi na yata pamuling magbabalik ang kanilang kahapong nagdaang lipos ng kaligayahan at pangarap. Si Leoning nga naman! Nawala na nga kaya sa alaala ni Leoning ang lahat? Diyata't nilimot niya ang sumpaan sa pagibig? Kaya ngayon ay walang bumabagabag sa damdamin ni Eduardo kundi pawang mga mapapait na gunitain sa buhay!

Palibhasa'y si mang Alejandro ay kaibigan ng maraming kilalang tao sa Maynila kaya't ito namang si Leoning ay hindi rin nawawala at kasama saan mang kasayahan mapunta ang matandang ito. Paris nga naman nang naganyaya ngayon sa kanila, na, hindi rin napahuhuli kay mang Alejandro. Mariwasa at maraming kumakalansing.

Ano, pa,t, cung sa aquing pagcatalastas ñgayon, ay añgat na añgat tayo sa mañga dapat asalin nang tauo dito sa lupa. Houag cang magalit, Pili, dahilan dito mañga sinasalita co sa iyo.

Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal. Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang trabajong caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.

Alin mang may utang ay nagbabayad. Mahuhuling walang sala, kundi man ngayon ay bukas o dili kaya'y darating ang tadhanang araw na kanyang magiging sukdulan upang isigaw ang lahat ng kanyang mga ginawa at masasamang hangarin. Kailangan paghanapin ang lahat ng ito upang ang matuwid ay siyang lumitaw sa harap ng katiwalian.

Datapwa't ang mga kilos ni Leonora nang umagang yaon ay siya ngang napansin niya na sa pagkapansing yaon ay nagkaroon siya ng masamang kutob ang loob. Ngayo'y naninibugho ang kanyang damdamin sa dahilang iba't iba ang nakikita niyang kilos kay Leoning. Waring napansin niya ngayon ang lahat.

Sagót ni don Jua't, tugón ó hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon Dios nang magandang hapon. Ang sagót nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo't, iyong turan ang sadyá mo't, pinag-lacbay. Ani don Juan at badyá ó daraquilang monarca, ang sadyá co pong talagá hinguil sa pangangasaua.