United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Unti-unti na ngang nakita ni Eduardo ang malaking ipinag bago ni Leoning buhat nang kanyang mabatid na may ibang dumadalaw sa kanyang kasuyuan. Ngayong nabatid niyang siya pala ay may kaagaw kay Leonora na nang mga ilang araw na nagdaan ay hindi niya namamalayan.

Ang príncipe ay hindi na nacaringig nang pagcantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na ualang capara. Ang sa ibong ugali na cun matapos na magcantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog pagdaca. Sa masamáng capalaran ang príncipe'i, natai-an, ay naguing bató ngang tunay ang catauan niyang mahal. Di anong magágaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá.

Diyan mapaghahalatang may mga pagkakataong nagiging makapangyarihan, sa ilang pagkakataon, ang pantig ng pamimigkas" kay sa "pantig ng pagkakasulat"; at talagang ganito naman ang dapat mangyari. Diwa at kaluluwa ng tula ang tingig, ang aliw-iw. Nasa aliw-iw at tingig ang musika, na siya na rin ngang tunay na tingig at aliw-iw.

Malinaw ngang lumálabas na dahil sa pagkauring busábos ng konsého ay patúloy pa rin si Kápitang Memò sa kanyáng ugáling paghahariharian; na dahil din diya'y ang bawa't ibígin niyá, matwid ó baluktot, ay siyáng nangyári.

Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan. Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang dalauang matá. Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa cahoy na Piedras Platas. Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang capagdaca.

Nang caniyang mapagmasdan ang tubig ay di nagcuculang, ang matandáng ito naman segurong may carunungan. Umulit pa ngang nag-uica itong príncipeng daquila, ugali nang isang bata ang magtanong sa matandá. Sagót nang matandá naman sabihin mo't, iyong turan, ang loob co'i, namaáng nang layong pinangalingan.

Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád. Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay. Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála. Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.

Di siya rin ang naglagay sa frascong quinasisidlán, siya ring nagdala naman doon sa palacio real. Isinagót naman dito hindi naquiquilala co, papaloin nanga rito nang negrita ang negrito. Cun ano at si don Juan ang siya ngang nasasactán, marahás na carunungan sa princesang tinatangnan. Nang calahati nang oras ang canilang paglilibad, ay muli namang nangusap yaong princesang marilág.

Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada. Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga nagbabantay. Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong masiglá. Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila inabutan.

"Súlong na, maaabála ka lang sa akin," ang patúloy ng binibinì na may kahálong wari'y hinampó. "Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!" Isang ngitî, isang ngiting malambíng na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinangambahán niyang nagtampó ngang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang. "Anó iyon?